Tuloy na ang motu proprio investigation ng House Committee on Transportation hinggil sa umano’y katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa abiso ng Committee Secretariat, gagawin ito sa Lunes, October 23.
Dapat ay nitong nakaraang October 17 idinaos ang pagdinig ngunit nagkaroon ng problema sa scheduling.
Partikular na nais silipin ng komite ang alegasyon ng dating executive assistant ni suspended LTFRB Chair Teofilo Guadiz III na mayroong bayarang nangyayari kapalit ng prangkisa, special permits, at modification ng mga ruta.
Kalaunan naman ay binawi ng naturang dating tauhan ang kaniyang pahayag. | ulat ni Kathleen Jean Forbes