Pagtatatag ng Mindanao Regional Startup Ecosystem Consortium, suportado ng Cagayan de Oro solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatatag ng Mindanao Regional Startup Ecosystem Consortium.

Sa katatapos na 2023 Research and Innovation Summit na pinangunahan ng University of Science and Technology of the Philippines (USTP), nabuo ang naturang consortium na kinabibilangan ng walong ahensya ng pamahalaan, apat na state universities and colleges, at limang pribadong institusyon mula sa Northern Mindanao na magtutulungan para mapabuti at isulong ang mga startup sa rehiyon.

Isang Governing Council ng Consortium ang binuo kung saan mapapasailalim ang Policy Development Committee na mangunguna sa pagsasaliksik at pagbuo ng mga patakaran na magpapalakas sa mga mekanismo at proseso ng startup ecosystem.

Naniniwala si Rodriguez na ang pagbubukas ng startup consortium ay may positibong epekto sa paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho sa Mindanao, gayundin ay gawing technological and innovation hub ng rehiyon ang Cagayan de Oro.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us