Ipinagmalaki ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa harap ng Saudi business leaders ang Islamic finance sector na siyang bahagi ng economic growth ng Pilipinas.
Sa Roundtable Discussion ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Riyadh, Saudi Arabia, sinabi ni Diokno na lumalago ang Islamic banking ngayon sa Pilipinas kasunod ng pagpapatibay ng isang regulatory framework para sa Islamic banks upang pagsilbihan ang eight percent Muslim population sa bansa.
Kamakailan, binago ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kinakailangan na minimum capitalization para sa Islamic banking para mas makahikayat ng mga conventional bank na makisali sa market segment nito.
Ayon pa sa kalihim, may mga insentibo na ipinagkakaloob ang Philippine government para mas makaengganyo ng mga new players gaya ng tax neutrality at full Islamic insurance para suportahan ang Islamic Sector Development.
Tiniyak din ni Diokno na ang diverse opportunity sa Islamic regulatory environment ay pinangangasiwaan ng independent Sharia Supervisory Board.
Hinikayat ng kalihim ang Saudi business leaders na maging bahagi ng paglago ng Islamic financial banking sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes