Pinangunahan ni PCol. Richard B. Basco ang isang multi-sectoral Peace Assembly para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa Tawi-Tawi Provincial Police Office kamakailan.
Ito’y dinaluhan ni Atty. Alnie Burahim, Provincial Election Supervisor ng Comelec Tawi-Tawi, na kung saan kanyang pinangunahan ang signing ng pledge of commitment para masiguro ang malinis, maayos at mapayapang BSKE 2023 Elections.
Dumalo din si MGen. Romeo Rakadio, Commander ng 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Commander sa Tawi-Tawi at kanya ding isinaad ang kanyang pledge of commitment ganun din ang mga leaders mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan nagsaad din ng kanilang pangako at suporta.
Kaugnay nito hinimok ni Burahim ang lahat ng mga dumalo na magkaisa tungo sa isang matiwasay at mapayapang pagdaraos ng BSKE 2023 Elections. | ulat ni Sharon Jamasali | RP1 Tawi-Tawi