Nakatakdang sunugin ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang halos ₱6-B halaga ng iligal na droga o kabuuang ₱5,968,744,462.00 sa isang waste management facillity sa Trece Martirez City sa lalawigan ng Cavite.
Kung saan personal na ilalagay sa chamber ng kawani ng PDEA sa pangunguna ni PDEA Director Gen. Moro Virgillio Lazo kasama ang iba pang opisyales mula sa Dangerous Drugs Board PNP DOJ at sa iba’t ibang drug operations ng PDEA, PNP at NBI.
Kabilang na dito ang mga drogang nasa 274 kilo na nasabat sa Manila International Container Terminal Port at nasa 208 kilo ng illegal na droga sa Mabalacat, Pampanga. | ulat ni AJ Ignacio