Direksyong tinatahak ng ekonomiya ng Pilipinas, pinapurihan ng Arab businessmen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging mainit ang pagtanggap ng Arab businessmen sa Philippine delegation sa Riyad, Saudi Arabia, sa sidelines ng pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN – Gulf Cooperation Council (GCC) Summit.

Sa naging roundtable meeting ng Pangulo kasama ang Philippine economic managers at top Arab business leaders, sinabi ni Saudi Minister of Investment His Excellency Khalid Alfalih na gusto nila ang ginagawa ng Pilipinas tulad ng direksyong tinatahak nito tungo sa pagiging isang ‘cashless society’ sa taong 2030, at ang mobile finance.

Kabilang rin ang pagkayod ng bansa tungo sa pagiging ‘energy self-sufficient’ nito sa pagtatapos ng dekada.

Itinuturing aniya nila ang Pilipinas bilang isa sa ‘most exciting market’ sa ASEAN.

Isa rin sa mga inabangan ng Arab business leaders ay maipresenta sakanila ang Maharlika Investment Fund.

Bukas rin aniya sila sa pag-uusap para sa balikatan ng Saudi at Pilipinas sa industry at logistics.

Sa linya naman ng turismo, kinikilala aniya nila na isa ang Pilipinas sa pinakadinarayo ng turista sa buong mundo, at batid nila na maraming tourism lesson ang maibabahagi ng bansa sa Saudi.

Nais rin aniya nilang magkaroon o palakasin pa ang ugnayan ng kanilang bansa sa Pilipinas sa linya ng agrikultura, lalo’t ang agri sector ang isa sa pinakamalaking industriya sa Pilipinas.

Ayon sa Saudi Minister, nakikita nila ang Pilipinas bilang kanilang tulay sa iba pang mga bansa sa Asya, at umaasa rin ito na tinitignan rin ng Pilipinas at Saudi, bilang tagapag-ugnay rin nito sa mga bansa sa Middle East.

Sa panig naman ni Pangulong Marcos Jr., binigyang diin nito na handang-handa na ang Pilipinas na palalimin pa ang economic partnership nito hindi lamang sa Southeast Asian region, bagkus ay maging sa kabalikat nitong bansa sa Gulf.

Umaasa rin ang pangulo na sa pagbisita niyang ito sa Saudi, marami pang bagong ‘areas of cooperation’ ang mabubùksan sa pagitan ng Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia.

“I hope that the Saudi business leaders present here today will further make it happen in the Philippines. I look forward to seeing that this meeting — we will further engage our two countries and will develop and explore opportunities that as yet we have not discussed between our two countries.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us