Online raffle operators, hinuli ng ACG sa live webcast

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga operator ng online raffle, habang nagsasagawa sila ng live webcast ng kanilang bola, pasado alas-5 ng hapon kahapon.

Sa ulat ni PNP ACG Spokesperson Police Capt. Michelle Sabino, ang mga suspek ay inaresto matapos silbihan ng Warrant to Search Seize Examine Computer Data sa Brgy. Tenejoro, Balanga City, Bataan.

Kinilala ang mga suspek na sina: Mark Kevin Borbon Andrade, Jeffrey Gatbonton Siron, Cedric Oneal Obordo, Adrian Gregorio Diaz, Jerele Bautista Javier, Jedrick Ambrosio Siron, Leopoldo Baluyot Medina Jr., at John Daniel Calubayan.

Narekober na ebidensya ang isang Airmix tambiolo, apat na set ng mga de-numerong plastic ball, at samut saring computer at electronic equipment.

Huli sa akto ang mga suspek habang nagsasagawa ng online illegal gambling ( Online Raffle ) na naka-broadcast sa Facebook Live. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us