Inanusiyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na opisyal nang nagsimula ang Northeast Monsson o Amihan.
Ayon sa PAGASA, ito ay matapos na ma-obserbahan ang malakas na northeasterly wind sa Northern Luzon dahil sa paglakas ng high pressure system sa Siberia.
Bukod dito ay nagkaroon din ng unti-unting paglamig ng hangin sa Northeastern part ng Luzon.
Dahil dito ay mararamdaman na ang malamig na panahon dahil sa pag-iral ng amihan. | ulat ni Diane Lear