Agarang pagtatapos ng armed conflicts sa Middle East at pagkakaroon ng mapayapang resolusyon sa pagitan ng Israel at Palestine, ipinanawagan ng ASEAN Leaders

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pangamba ang ASEAN Leaders sa lumalalang tensyon at armed conflict sa Middle East, kasabay ng panawagan na matigil na ang karahasan, at iwasan na ang pagkakaroon pa ng human casualty.

Sa gitna ng nagaganap na ASEAN-Gulf Cooperation Council sa Saudi Arabia, naglabas ng pahayag ang ASEAN Leaders na irespeto ang International Humanitarian Law.

“We further call on all parties to protect and ensure safety and security to all civilians, including ASEAN nationals, and the immediate and unconditional release of all hostages.” —ASEAN Leaders.

Nanawagan ang mga lider na agad na gumawa ng ligtas na humanitarian corridors.

“We re-emphasize our commitment to provide emergency assistance to ASEAN nationals, in accordance with the ASEAN Declaration on the Guidelines on Consular Assistance by ASEAN Member States’ Missions in Third Countries to Nationals of Other ASEAN Member State and the Guidelines for the Provision of Emergency Assistance by ASEAN Missions in Third Countries to Nationals of ASEAN Member Countries in Crisis Situations.” —ASEAN Leaders

Nagpahayag rin ng pagkondena ang mga lider sa mga karahasan na nagresulta na sa pagkakasawi at pagkasugat ng mga sibilyan, kabilang na ang ASEAN nationals.

Habang nagpahayag rin ng suporta ang ASEAN, na magkaroon ng two-State solution ang Israel at Palestinian, upang mamuhay ang mga ito ng mapayapa at secure alinsunld sa itinatakda ng United Nations Security Council resolution.

“This will be the only viable path to resolving the root cause of the conflict.” —ASEAN Leaders.

Habang nanawagan rin ang mga lider sa international community ng suporta sa peace process upang masiguro ang pangmatagalang kapayapaan at stability sa rehiyon.

“We urge the international community to support the peace process in order to ensure long lasting peace and stability in the region.” —ASEAN Leaders. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us