Bisa ng special permit na ipinagkaloob ng LTFRB sa ilang bus para sa BSKE at Undas, epektibo na ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ngayong araw ang bisa ng special permit na ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang bus operators, kasunod ng paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), at sa panahon ng Undas.

Mula ngayong araw hanggang November 6, 2023 ang bisa ng special permit.

Mas mahaba ang bisa na ipinagkaloob ng LTFRB dahil sa magkasunod na okasyon, kung saan inaasahang mas madaming bilang ng mga pasahero ang magsisiuwian sa mga probinsya.

Batay sa datos ng LTFRB, aabot sa 767 units ng bus ang nag-file para sa special permit. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us