Isa sa 18 OFW mula sa Israel na umuwi sa Pilipinas, inakalang hindi na makakasama ang pamilya dahil sa giyera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaranas ng matinding takot at pangamba para sa kaniyang pamilya ang isang overseas Filipino workers na umuwi sa Pilipinas matapos maranasan ang giyera sa Israel.

Kabilang si Elmer L. Puno, 43 taong gulang, na mula sa Pampanga sa 18 OFWs na umuwi sa bansa ngayong araw.

Siya ay nagtrabaho ng mahigit dalawang taon bilang caregiver sa Israel at unang beses niya lang maranasan ang gulo roon.

Ani Elmer, sumagi na sa isip niya na hindi na niya makakasamang muli ang kaniyang asawa at dalawang anak dahil pag-atake ng militanteng grupong Hamas.

PAKINGGAN NATIN ANG TINIG NI ELMER.

Nahirapan din daw magpaalam itong si Elmer sa kaniyang amo pero naintindihan din ng kaniyang employer na may pamilya itong kailangang balikan.

Nagpahayag din daw ang kaniyang employer na sakaling bumuti ang sitwasyon doon ay maaari siyang bumalik sa kanila.

Sa ngayon, nabigyan na ng tig-P100,000 na tulong pinansyal mula sa DMW at OWWA nag mga umuwing OFW, habang P20,000 mula sa DSWD, at iba pang tulong mula sa TESDA at DOH. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us