Binuksan na ng Commission on Higher Education ang bagong satellite office nito sa Talisay, Negros Occidental.
Dahil dito, mas mapadadali na ang paghahatid ng mga frontline services sa Rehiyon 6, kabilang ang pag-iisyu ng certifications, special orders, scholarships at iba pang mahahalagang transaksyon sa CHEDRO 6 Office.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, dahil sa bagong regional office, hindi na kailangan ng mga taga-Negros Occidental na pumunta sa ibang lugar para iproseso ang mga dokumento ng CHED.
Ang CHEDRO 6 Office, sa Iloilo City, ay may hurisdiksyon sa 157 higher education institutions sa buong Western Visayas.
Kailangang bumiyahe pa ng dalawang oras ang mga stakeholder mula sa Negros Occidental para sa mga transaksyon ng CHED.
Ang tanggapan ng Talisay ay magbibigay ng madaling pag-access sa higher education institutions sa Negros Occidental at sa kanilang mga stakeholder. | ulat ni Rey Ferrer