DILG, tiniyak na tutulong sa COMELEC sa paghabol sa mga kandidatong lalabag sa pangangampanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tutulungan ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagtugis sa mga kandidato sa buong bansa na lalabag sa pangangampanya.

Kasama ang Philippine National Police (PNP) at attached offices nito, titiyakin ng DILG na maparusahan sila alinsunod sa umiiral na batas sa halalan.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., may mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang sadyang ginagawa ang iligal na pangangampanya at vote buying.

Partikular ang paggamit ng oversized campaign posters at paglalagay sa hindi designated common poster areas.

May ulat din ng pagbili ng boto gamit ang online fund transfer at maging ang pagbibigay ng iba’t ibang anyo ng “ayuda” o tulong sa mga botante.

Una nang nagbabala ang Comelec na kahit manalo ang isang kandidato sa bilangan ay maaring hindi iproklama hangga’t hindi nareresolba ang reklamong inihain laban sa kanya.

Giit pa ni Abalos, gagawin ng DILG ang lahat upang mapanatili ang integridad ng halalan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us