Dagdag na suplay.
‘Yan ang naging panawagan ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na sana’y madagdagan ng supply ng bigas ang regional warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Central Visayas (NFA-7) para sa kanilang gagawing pagbebenta ng P20 per kilo na bigas.
Ibinunyag ni Garcia na layon ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Cebu na suportahan ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makabenta ng murang bigas.
Kaya plano nilang magsantabi ng inisyal na P100-milyon pondo upang makabili ng 80,000 sako ng bigas mula sa NFA.
Bagkus na P25 kada kilo ang presyo, isusubsidize nila ang P5 upang makabili ang mga poorest of the poor families sa kanilang ilalagay na mga bigasan.
Bukod dito, maglalaan din ng ibang pondo si Garcia para sa pagbili ng NFA rice sa kanilang gagawin na province-wide feeding program. | ulat ni Carmel Matus | RP1 Cebu