Bumuo ng Taxpayer Registration-Related Application (TRRA) Portal ang Bureau of Internal Revenue.
Ito’y upang mabigyan ng isa pang alternative option ang mga taxpayer sa pagsusumite ng kanilang application na nauugnay sa registration-related applications electronically sa BIR Revenue District Offices (RDOs).
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr, saklaw ng TRRA Portal ang mga transaksyong nauugnay sa pagpaparehistro tulad ng aplikasyon para sa TIN sa ilalim ng E.O 98 at ONETT; ang pagpaparehistro ng mga OFW at non-resident citizens; ang aplikasyon para sa Authority to Print; pag-update ng email address gamit ang Application Sheet Form S1905; ang paglipat ng pagpaparehistro ng mga empleyado at iba pang non-business taxpayers at ang pag-update ng maiden name para sa babaeng may asawa.
Dahil sa inilunsad na Taxpayer Registration-Related Application Portal, umaasa si Lumagui na mapahusay pa ang pagpaparehistro ng taxpayers sa BIR. | ulat ni Rey Ferrer