Muling nakitaan ng lava effusion o pagluwa ng lava ang bulkang Mayon sa Legaspi, Albay kagabi.
Agad na nasundan ito ng lava flow at rockfall events sa Miisi at Bonga Gullies.
Batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkan at may posibilidad pa rin ng pagsabog.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala pa ng 70 volcanic earthquake sa bulkan kabilang ang 65 na tremor events, isang pyroclastic density currents events at 51 rockfall events.
Kahapon, nakapagbuga ito ng volcanic sulfur dioxide na aabot ng 727 tonnes kada araw. | ulat ni Rey Ferrer