Muling nagpahayag ang Maritime Industry Authority o MARINA ng kanilang pangako na mapabuti ang kaligtasan sa paglalayag sa dagat sa paglahok nila sa Marine Accident Investigators’ International Forum 30 (MAIIF30) na ginanap sa International Maritime Organization (IMO) sa London kamakailan.
Tinalakay sa pulong ang iba’t ibang paksa na may kinalaman sa marine safety investigation, tulad ng epekto ng human element, ang pagsusuri sa MAIIF charter, at ang mga hinaharap na plano ng international forum.
Buo naman ang suporta ni Enforcement Service Director Ronaldo Bandalaria, na siyang kumatawan sa MARINA sa MAIIF30, sa IMO bilang flag administration ng Pilipinas at ang pagkakaisa nito sa updated Maritime Industry Development Plan (MIDP) 2028.
Ayon sa MARINA, bilang isang bansang archipelago, mahalaga sa ekonomiya ng bansa ang industriya ng shippiing bilang isang murang paraan para makapag-transport ng mga kalakal ngunit nanatili pa rin umanong pagsubok ang safety sa karagatan at proteksyon ng marine enviroment.
Kaya naman layunin ng MARINA na bawasan, kung hindi may ay alisin, na maulit ng mga aksidente sa hinaharap.
Ang MAIIF ay isang international non-profit organization na nakatuon sa advancement ng maritime safety at para maiwasan ang marine pollution. Layunin nito na ma-promote at mapagbuti ang mga marine accident investigation at international cooperation kabilang ang komunikasyon sa pagitan ng mga marine accident investigators. | ulat ni EJ Lazaro