Nasungkit na $4.26B investment deal mula sa Saudi ni PBBM, madaragdagan pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pauna pa lang ang naselyohang $4.26B investment deal ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa Saudi Arabia ayon kay Speaker Martin Romualdez.

Bunsod na rin aniya ito ng pahayag ni Minister of Investments ng Saudi Arabia na si Khalid Al-Falih na maraming negosyante sa kanilang bansa ang interesado na mamuhunan sa Pilipinas.

“Our distinguished friends from Saudi Arabia expressed a strong interest in exploring various investment opportunities in our country. Their willingness to consider the Philippines as a destination for their investments speaks volumes about the potential and attractiveness of our nation as an investment hub. I believe that the strategic partnership that is emerging from this meeting will open doors to new ventures, create job opportunities for our people, and further enhance our economic growth,” ani Romualdez.

Kabilang sa mga inaaral nilang pasukin ay ang Maharlika Investment Fund gayundin ang sektor ng enerhiya at kemikal, logistics, turismo, real estate, at agrikultura partikular sa suplay ng pagkain, food processing, at manufacturing.

Maliban dito, may plano rin ang KSA na mamuhunan ng mahigit US$122 billion hanggang sa pagtatapos ng dekada sa sektor ng aviation, railway, port, maritime services, logistics hub, at iba pa.

Bilang lider ng Kamara, siniguro naman ni Romualdez na kaisa sila sa hangarin ng administrasyong Marcos na magkaroon ang Pilipinas ng business-friendly environment, at pabilisin ang proseso ng pagnenegosyo sa bansa.

“As Speaker of the House of Representatives, I am confident that our legislative body will work closely with the Executive branch to implement policies and enact laws that will support and facilitate these investments,” sabi ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us