QC lgu, nagsasagawa na ng health education sa mga residente sa barangay laban sa sakit na dengue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang Quezon City Epidemiology & Disease Surveillance Unit (QCESU) sa isinasagawang dengue case investigation sa mga barangay sa lungsod.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit na dengue na ikinasawi na ng anim na katao.

Sa kanilang pagbisita sa komunidad,inaalam ng mga tauhan ng QCESU ang mga pinamumugaran ng lamok na maaaring maging sanhi ng dengue.

Para mapigil ang pagtaas ng kaso ng nasabing sakit, nagsasagawa na rin sila ng health education at fogging at spraying operation.

Batay sa datos, tumaas ng 184 ang kaso ng dengue sa lungsod noong Oktubre 14, mas mataas na ng 6.82% kumpara noong Oktubre 7, 2023. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us