Sa isang desisyon ng Korte Suprema, hindi required na magbigay ng 20% Senior Citizen discount ang mga Golf at Country Club para sa membership nito.
Ayon sa desisyon, na pinangunahan ni Associate Justice Jose Midas P. Marquez ng First Division ng Korte, kaugnay ng kaso ng Soliman v. Santos (G.R. No. 202417). Sinasaad na ang discount ay para lamang sa pagbili ng mga produkto at serbisyo, at hindi kasama ang membership fees sa nasabing kategorya.
Binalewala rin ng Korte ang isang probisyon sa implementing rules ng Expanded Senior Citizens Act of 2010, na dati ay nagbibigay ng exemption sa mga non-profit, exclusive golf at country club mula sa pagbibigay ng senior citizen discount. | ulat ni EJ Lazaro