Paisa-isa nang nagtutungo sa Bagbag Public Cemetery sa Novaliches, Quezon City ang mga pamilyang may binibisitang namayapang mahal sa buhay isang linggo bago mag-Undas.
Ayon kay Nestor Lanuevo, head of security ng Bagbag Cemetery, mayroong higit sa 100 indibidwal ang bumisita na sa sementeryo nitong linggo, maliban pa sa mga nagpalibing.
Bukas ang sementeryo mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Sa ngayon, maluwag pa ang sitwasyon sa sementeryo. Hindi pa isinasara ang kalsada papasok ng sementeryo at wala pa ring mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nakabantay dito.
Samantala, nag-abiso na rin ang sementeryo na sa October 30 na ang huling araw ng interment sa semeteryo bilang paghahanda sa Undas.
Ipagpapatuloy na lamang din ito matapos ang Undas sa November 3.
Bilang bahagi rin ng Oplan Kaluluwa 2023 ng Quezon City LGU, nagpaalala na ito sa mga vendor na nais magbenta sa loob ng sementeryo na magpadala na ng kanilang Letter of Intent sa City Civil Registrar. | ulat ni Merry Ann Bastasa