13 barangay sa Pasay, dumalo sa isang prayer rally at lumagda sa isang peace covenant signing para sa mapayapang BSK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang Prayer Rally, Candidates’ Orientation, at Peace Covenant Signing ang isinagawa sa San Isidro Labrador Parish, sa Taft Avenue, Barangay 44, Pasay City.

Pinangunahan ito ng Southern Police District sa ilalim ng pangangasiwa ni SPD OIC Police Brigadier General Mark Pespes, sa pamamagitan ng mga tauhan ng District Community Affairs and Development Division ni Colonel Jenny Tecson.

Nakiisa sa misa at paglagda ng Peace Covenant ng BSKE 2023 ang mga aspiring candidates mula sa 13 Baranggay sa Pasay City.

Higit 400 ang nakilahok at lumagda sa Peace Covenant bilang patunay ng kanilang kampanya na tahimik at patas na Barangay at SK Elections 2023. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us