Positibo ang Department of Trade and Industry (DTI) na malaki ang maitutulong ng suspensyon ng Pass Through Fees sa pagbaba ng presyo ng Noche Buena items ngayong ilang buwan bago sumapit ang Pasko.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, dahil sa pagsuspinde ng Pass Thourgh Fees ay malaki ang kabawasan ng mga food manufacturers, partikular sa logistical expenses kaya naman bababa ang presyo ng mga Noche Buena items.
Dagdag pa ni Pacheco na base sa kanilang pag-iikot noong nakaraang linggo ay nanatiling normal pa ang presyo ng mga Noche Buena items.
Samantala, inaasahang ngayong linggo naman nakatakdang ilabas ng DTI ang SRP sa mga Noche Buena items. | ulat ni AJ Ignacio