Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga tauhan ng militar na manatiling tapat sa bayan.
Ito ang mensahe ng AFP chief na binasa ni Lt.Gen Arthur Cordura, Vice Chief of Staff AFP at Chief of the Office of Ethical Standards and Public Accountability, sa flag-raising ceremony sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.
Kasabay ito ng paggunita ng ika-33 anibersaryo ng AFP Code of Conduct na kinatampukan ng renewal of pledge of allegiance.
Paalala ni Gen. Brawner sa mga tauhan ng AFP, na ang ‘code of conduct’ ay nagsisilbing gabay sa kanilang mga aksyon upang mapaangat ang reputasyon ng AFP, bilang isang respetadong institusyon na nagsisilbi sa mga mamamayan at sa bayan.
Ayon sa Heneral, malaki ang responsibilidad ng AFP bilang “role model” at mahalagang panatilihin ang pinakamataas na antas ng ‘moral conduct’. | ulat ni Leo Sarne
📷: Sgt Ambay/PAO, AFP