Maaaring abutin ng dekada ang pagkapit ng langis sa kapaligiran, partikular sa marine environment, kung hindi ito malilinis nang tama ng pamahalaan.
Pahayag ito ni Mindanao State University Environmental Science Professor Hernando Bacosa sa gitna ng ginagawang oil spill recovery efforts ng gobyerno, kasunod ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, ika-28 ng Pebrero.
“Talagang if we cannot remove them kasi ang iba we cannot see them, it could last for decades lalo na kapag benthic iyong naapektuhan, iyong ilalim ng dagat,” ani Prof. Bacosa.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng propesor na mayroon kasing mga oil waste na hindi na nakikita o kumapit na sa buhangin o sea grass.
Sakali aniyang hindi ito maalis, patuloy itong makaka-paminsala sa kapaligiran.
Ayon sa propesor, bagamat opsyon ang pagsailalim sa rehabilitasyon ng napinsalang marine environment, mahalaga na ang tutok ng pamahalaan sa kasalukuyan ay ang containment ng oil spill.
Kailangan aniyang matiyak at mapigilan ng gobyerno na makarating sa mga dalampasigan ang tumagas na langis. I via Racquel Bayan