Jefferson Tumbado, ipina-contempt ng House Transportation panel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipina-contempt ng House Committee on Transportation si Jefferson Tumbado, ang dating executive assistant ni suspended LTFRB Chair Atty. Teofilo Guadiz III.

Si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ang nagmosyon na i-cite in contempt si Tumbado.

Ayon kay Marcoleta, sinayang lang nito ang oras ng mga mambabatas na nagpatawag pa ng imbestigasyon kahit naka-break ang Kongreso.

Maliban dito, wala rin naman pala siyang maiharap na kongkretong pruweba na mayroong ngang katiwalian sa ahensya.

Sa interpelasyon ng mga mambabatas kay Tumbado, ibinase lamang aniya niya ang kanilang alegasyon ng korapsyon mula sa mga sumbong at lumalapit na grupo ng transport sector.

Naisama lamang din aniya niya si Guadiz sa isyu dahil sa sama ng loob dahil sa hindi nito pinakinggan ang kaniyang paliwanag kung bakit nagkaroon ng away sa pagitan ng iba pang empleyado sa opisina ni Guadiz.

10 araw na detensyon ang ipinataw ng komite kay Tumbado.

Sa panig naman ng National Bureau of Investigation na hindi sila naniniwala sa mga pahayag ni Tumbado dahil sa wala itong maibigay na pangalan at ebidensya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us