US State Department, muling tiniyak na saklaw ng Mutual Defense Treaty ang pag-atake sa mga barko ng Pilipinas sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ng US Department of State na saklaw ng Mutual Defense Treaty (MDT) ang anumang armadong pag-atake sa mga barko ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) , at mga pampublikong sasakyan at eroplano ng Pilipinas sa South China Sea.

Ang pahayag ng US State Department, ay kaugnay ng anila’y mapanganib at iligal na aksyon ng People’s Republic of China (PRC) Coast Guard at maritime militia para hadlangan ang resupply mission sa Ayungin Shoal kahapon, kung saan binangga ang isang resupply boat at barko ng PCG.

Ayon sa US State Department, lumabag sa international Law ang PRC Coast Guard at maritime militia sa kanilang paghadlang sa Freedom of Navigation ng mga barko ng Pilipinas.

Babala ng Estados Unidos sa China, ang pagharang sa “supply lines” patungo sa outpost ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ay panghihimasok sa legal na maritime operations ng Pilipinas at banta sa regional stability.

Giit ng Estado Unidos, ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at walang legal na basehan ang China para angkinin ang anumang bahagi ng naturang karagatan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us