Pahayag ito ni Mindanao State University Environmental Science Prof. Hernando Bacosa sa gitna ng ginagawang oil spill recovery efforts ng pamahalaan, kasunod ng lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, ika-28 ng Pebrero.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng propesor na malaking tulong ang pagi-invest sa mga ganitong teknolohiya.
Sa oras kasi aniya na maulit ang kaparehong insidente sa hinaharap, mabilis na makatutugon ang pamahalaan.
Agad aniyang mahahanap ang source ng oil spill, agad itong matatakpan, at agad ring maco-contain ang tumagas na langis.
“Ngayon, kasi po, the same din iyon, nasa ilalim ng dagat. Kaya pagkatapos po noon nag-invest sila sa technology, barko na talagang kapag may nangyaring ganoon, they can easily response, maka-cap nila iyong source, mako-close nila then they can siphon,” ani Prof. Bacosa. I via Racquel Bayan