Panukalang magpapaaga ng pagbibigay ng cash gift sa mga Pilipinong centinarian, nakarating na sa plenaryo ng senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naipresenta na sa plenaryo ng senado ang panukalang batas tungkol sa maagang pagbibigay ng gobyerno ng cash gift na 100,000 pesos para sa mga Pinoy centenarian bago pa man sila umabot ng 100 years old.

Sa kanyang sponsorship speech para sa senate bill 2028, sinabi ni Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development Chairperson Senadora Imee Marcos na kapag naisabatas ay matatanggap ng mga senior citizen ang mga bahagi ng 100,000 pesos cash gift kapag sila ay umabot sa 80, 90, at 100 years old.

Ipinapanukala rin ang pagbubuo ng Elderly Management System para sa maayos na pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa mga senior citizen na 80 years old pataas.

Ito ay gagawin sa pagtutulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Information and Technology (DICT), National Commission on Senior Citizens, at mga local government units.

Binigyang-diin ng senadora na kailangan nang i-advance ang pamamahagi ng cash gift para sa mga centenarian dahil sa mahal na presyo ng mga pangunahing bilihin at maintenance na gamot para sa karaniwang sakit ng mga matatanda, gaya ng mga sakit sa puso, diabetes, at kidney failure. I via Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us