Ikatlong batch ng OFWs mula Israel, dumating na sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang ikatlong batch ng repatriated OFWs mula sa bansang Israel.

Sila’y lulan ng Eithad Airways flight 424 at lumapag pasado alas-3:09 ng hapon.

Batay sa inisyal na ulat mula sa Department of Migrant Workers (DMW) kabilang sa nasabing batch Ang 25 OFWs na kinabibilangan ng 17 caregivers at 8 hotel workers sa Israel.

Sinalubong ang mga ito DMW, Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), and the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagbibigay ng kakilanganing tulong at financial assistance mula sa national government. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us