PCG, sinabing walang escalation ng tensyon sa WPS; SolGen Guevarra, iginiit na hindi ang Pilipinas ang gumagawa ng provocation sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na maling sabihin na tumataas ang tensyon sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng pagbangga ng China sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea kahapon.

Ipinunto ni Tarriela na ang dahilan kung bakit mas maraming insidenteng napapaulat sa West Philippine Sea ngayon ay dahil mas naging transparent ang national government sa pagpapaalam sa publiko ng mga nangyayari.

Samantala, sinabi naman ni Solicitor General Menardo Guevarra na alam nating mga Pilipino kung sino ang gumagawa ng provocation.

ito ang tugon ni Guevarra sa pahayag ng China na itigil na ng Pilipinas ang provocation sa West Philippine Sea.

Ayon sa Solgen, bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang lugar kung saan binangga ng Chinese Coast Guard ang ating sasakyang pandagat.

Mayroon aniya tayong sovereign rights at hurisdiksyon sa naturang lugar. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us