Embahada ng Canada sa Pilipinas, nangakong patuloy na isusulong ng Canada ang karapatan ng mga OFW sa kanilang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang Embahada ng Canada sa Pilipinas na patuloy na isusulong ng Canada ang karapatan at kalagayan ng overseas Filipino workers (OFW) sa kanilang bansa.

Ito ay sa isinagawang kick-off celebration of Philippines – Canada Friendship week sa DMW Head Office sa Mandaluyong City ngayong araw.

Layon ng naturang pagdiriwang na paigtingin pa ang matagal nang pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa.

Ayon ka DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan, tampok sa selebrasyong ito ang mga matagumpay na kwento ng mga OFW sa Canada. Gayundin, ang matatag pagtutulungan sa Pilipinas at Canada sa pagsusulong ng ethical at safe recruitment.

Sa panig naman ni Ambassador of Canada to the Philippines David Hartman, nagpasalamat ito sa DMW sa naturang inisyatibo na ipagdiwang ang tagumpay ng dalawang bansa sa pamamagitan ng Friendship Week.

Kabilang sa mga aktibidad na nakalatag sa Friendship Week ay mga educational seminar kaugnay sa Fair and Ethical Recruitment, bazaars, at iba pa.

Ang Friendship Week ay inorganisa ng Foreign Stakeholders Relations and Engagement Bureau at DMW. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us