DSWD, nagbigay ng financial assistance sa pamilya ng pang apat na OFW na namatay sa Israel-Hamas conflict

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot na ng tulong pinansiyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng Pinay caregiver, ang pang apat na overseas Filipino worker (OFW) na napatay sa gulo ng Israel at Hamas.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, halagang P10,000 ang ipinagkaloob ng regional field office 3 sa pamilya ni Grace Prodrigo Cabrera bilang suportang pinansyal.

 Si Grace ay nagmula sa Apalit, Pampanga at nagtrabaho bilang caregiver sa Israel ng maraming taon.

Sinabi naman ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, bukod sa P10,000 tulong pinansyal, mananatili rin ang pakikipag-ugnayan ng community-based social worker sa mga miyembro ng pamilya para magbigay ng psychosocial support.

Makikipagtulungan din ang DSWD sa mga naaangkop na ahensya upang mabigyan din ng mga kinakailangang interbensyon ang naulilang pamilya.

Nauna nang nakipag-ugnayan ang DSWD sa pamilya ng 42 taong gulang na si Paul Vincent Castelvi na napatay din sa pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7. 

Gayundin sa pamilya ng napatay ding 32-anyos na nurse na si Angeline Aguirre at sa pamilya ni Loreta Alacre. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us