Welcome para kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, Chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs, ang ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bumaba sa higit kalahati ang nasasawi sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan.
Matatandaan na sa nakaraang pagdinig ng komite sinabi ni PDEA Director Moro Virgilio Lazo, na nakapagtala ng 52% na pagbaba sa drug operation related fatalities sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Mula aniya sa 40 fatalities noong 2020 hanggang 2021 ay bumaba na ito sa 19 mula July 2022 hanggang Setyembre 2023.
“The House leadership under Speaker Martin Romualdez commends PDEA for a job well done in the successful bloodless anti-illegal drug campaign. Your exceptional performance, outstanding efforts, and unwavering dedication to excellence have not gone unnoticed. We are looking forward to witnessing law enforcement agencies led by PDEA achieve even greater milestones in the fight against illegal drugs.” ani Barbers
Paghimok nito sa mga otoridad na ipagpatuloy ang makatao at walang dahas sa war on drugs, at iwasan nang may buhay pang mawala.
Kasama naman sa patuloy na aaralin ng Komite ay kung paano palalakasin ang bloodless anti-drug campaign ng Marcos Jr. administration.
“Let us see how we can boost the anti-drug war without resorting to violence, without eliciting anger and resentment from our people, and without drawing global attention and condemnation,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes