P2-M na pondo para TUPAD mula sa DOLE-CAR, makakatulong sa mahigit 400 na residente sa  Paracelis, Mountain Province

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makakatulong sa 434 na residente  at sa kampanya kontra chikungunya sa Paracelis, Mountain Province ang  dalawang milyong piso na  pondo para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged at Displaced Workers (TUPAD) mula sa Department of Labor and Employment o DOLE-Cordillera Administrative Region, regional office.

Ayon sa LGU paracelis, naisagawa na ang orientasyon at nakapagpirma na rin ng kontrata ang karamihan sa mga benepisyaryo para sa pagpapatupad ng naturang programa.

Tutulong ang mga ito sa mga barangay LGU sa pag-implementa ng Tepok LamoK sa pamamagitan ng paglilinis sa kapaligiran lalo na ang mga lugar na pinamumugaran ng  lamok upang makatulong sa pagbaba ng kasalukuyang Chikungunya virus outbreak sa bayan.

Bawat benepisyaryo nitong TUPAD ay magtatrabaho ng  sampung araw.

Nagpahayag ng pasasalamat si Paracelis Mayor Marcos Ayangwa sa Department of Labor and Employment sa pagapruba ng naturang pondo. 

Matatandaan na nasa state of calamity ang bayan simula noong nakaraang buwan  dahil sa pagsipa ng kaso ng Chikungunya doon.  | ulat ni Donalyn Balio | RP1 Bontoc

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us