Ilan sa mga proyekto ng MILG-BARMM sa Sulu, nakatakdang iturn-over sa darating na mga araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pangungunahan ni Minister Atty. Naguib Sinarimbo ng Ministry of Interior and Local Goverment sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nakatakdang iturn-over ng ilan sa mga proyekto ng naturang tanggapan sa Sulu.

Kabilang dito ayon kay Emini Kadiri, Acting Provincial Director ng MILG sa Sulu, ang public market sa Km. 2, Indanan, Panglima Estino at Omar pati ang Reformation Center sa Langhub, Patikul.

Habang, patuloy naman aniya ang konstruksyon ng siyam na barangay hall na sakop ng balik-barangay sa Patikul at ang Bangsamoro Emergency Operation Center nito na matatagpuan sa tabi rin ng tanggapan nito sa Capitol Site, barangay Bangkal, Patikul na inaasahan matatapos sa susunod na taon.

Sinimulan na rin dagdag pa ni Kadiri ang konstruksyon matapos ang groundbreaking ng Fire Station sa Maimbung at public market sa Luuk.

Liban pa dito, ang konstruksyon ng 14 na barangay hall sa Maimbung na nasa bidding process na ngayon, tig-dalawang barangay hall sa iba pang bayan sa sa lalawigan at municipal hall sa Lugus. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us