Attractive investment destination ang Pilipinas para sa mga Japanese investors dahil na rin sa nagpapatuloy na pagtaas ng economic growth na nakita ng mga mamumuhunan sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ayon kay Japanese Chamber of Commerce and Industry Chair Ken Kobayashi, nakikita nilang stable ang ekonomiya ng Pilipinas dahilan para mapukaw ang kanilang interes at dalhin ang kanilang operasyon dito sa bansa.
Bukod dito dagdag ni Kobayashi na may nakikita rin silang domestic demand sa Pilipinas gayundin ng pag-akyat ng workforce population na mga rason ng kanilang interes na pamumuhunan.
Sa kanyang panig naman ay inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inuukol ng pamahalaan na prayoridad sa agricultural sector na maaaring pagtulungang ma-develop sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa mga negosyanteng Hapon.
Ang JCCI ang pinakamalaking business organization sa Japan na dito ay nasa 1.25 milyong kumpanya ang bumubuo rito, mula sa malalaking negosyo hanggang sa small-and-medium-sized enterprises.
Nag-courtesy call ang JCCI kay Pangulong Marcos Jr. sa Malacañang. | ulat ni Alvin Baltazar