Malabon LGU, nagtayo ng Wall of Remembrance para patuloy na maalala ang mga nakalibing sa Tugatog Cemetery

Facebook
Twitter
LinkedIn

Habang nagpapatuloy pa rin ang pagsasaayos sa Tugatog Cemetery sa Malabon City ay nagtayo muna ang pamahalaang lungsod ng Wall of Remembrance upang magunita pa rin ng mga residente ang kanilang mga yumaong kaanak na nakalibing sa naturang sementeryo.

Ayon sa LGU, sa naturang Wall of Remembrance, nakatala ang pangalan ng bawat nakalibing sa Tugatog Cemetery.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon pa rin aniya ng paraan ang bawat Malabueño na may minamahal sa Tugatog na makapagpahayag ng pasasalamat sa mga mahalagang alaala na kanilang iniwan.

Ang Tugatog Cemetery ay bubuksan sa publiko simula sa October 29, 2023 kung saan maaaring mag-alay ng kandila at panalangin. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us