Kandidatong Kapitan at Kagawad sa Masbate, inambush habang nangangampanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sugatan ang isang kandidatong Kapitan at isa pa niyang kasamahan na kandidatong Kagawad, matapos silang ma-ambush noong Linggo sa Purok 2 Brgy. Maingaran Masbate City.

Ito ang report na nakarating kay Chairperson George Erwin Garcia ng Commission on Elections (COMELEC), matapos magpadala ng spot report ang Provincial Director ng Masbate Provincial Police Office.

Sugatan ang biktima na si Joseph Martinez, 59 years old at incumbent barangay chair ng nasabing lugar; at ang kasama nito na si Juvy Pintor, 44 years old isang tricycle driver at kandidatong barangay kagawad.

Nasa isang pagtitipon daw ang mga biktima ng dumaan ang kalaban niya sa pagka-Kapitan na si Dolores Inopia, kung saan nagkaroon ng mainit ang pagtatalo.

Bigla na lamang daw bumunot ng baril ang ilang mga kasamahan ng kanyang katunggali at nagpaputok sa lugar, at nauwi sa pagkasugat ng mga biktima.

Matapos ang barilan ay mabilis na dinala sa ospital ang mga biktima.

Ang Masbate ay nasa red category ng Comelec, kung saan ibig sabihin nito ay nasa areas of concern dahil sa mainit na bakbakan ng mga kandidato. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us