Bukod sa mga nasabat na asukal ay ikinukonsidera rin ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta sa Kadiwa stores ng iba pang makukumpiskang smuggled na non-perishable agricultural commodities gaya ng bigas.
Ayon kay DA Assistant Secretary Rex Estoperez, kailangan lang na makapasa ito sa phytosanitary inspection upang masigurong ligtas bago ibenta sa publiko.
Hindi naman kasama rito ang mga nasasamsam na smuggled na produktong madaling masira gaya ng carrots at sibuyas.
Paliwanag ni Estoperez, mas mahal ang gagastusin ng pamahalaan rito mula sa testing, logistics hanggang cold storage. | ulat ni Merry Ann Bastasa