Mahigit 9K Pangasinense, nakinabang sa serbisyong hatid ng “LAB For All Caravan” ni First Lady Liza Araneta Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa kabuong bilang na 9,507 na Pangasinense mula sa limang bayan ng Pangasinan ang napagkalooban ng mga libreng laboratory services ng programang “LAB for All Caravan” ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Nag-umpisang lumibot sa mga bayan ng Pangasinan ang programa ng Unang Ginang noong ika-19 Oktubre at nagtuloy-tuloy hanggang ngayong araw ika-24 Setyembre 2023.

Ang kabuoang bilang ng mga nakakuha ng libreng laboratory service ay binubuo ng 4,082 indibidwal sa Rosales at Asingan na unang binisita ng programa; 4,032 sa bayan ng Natividad at Sta Maria; 716 laboratory test naman ang naisagawa sa San jacinto; at 679 naman sa bayan ng Malasiqui.

Inaasahan pang lomobo ang nabanggit na bilang dahil sa ginanap na pinakamalaking Caravan sa lalawigan sa Binalonan, Pangasinan.

Ang LAB for All Project o Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa lahat ay pangunahing inisyatibo ng Unang Ginang na mayroong layuning makapagbigay ng iba`t ibang serbisyong medikal para sa mga pamayanan.

Ilan sa mga laboratory services na libreng ipinagkaloob sa mga Pangasinense ay ang Chest X-ray, ECG, at Cervical Cancer Screening.

Bukod sa mga laboratory services na hatid ng programa, dinagsa rin ng mga Pangasinense ang libreng medical check-up, gamot, oral health services, at legal consultation.

Nakibahagi rin sa programa ang Department of Socia Welfare and Development (DSWD) kung saan namahagi ang tanggapan ng foodpacks at financial assistance para sa mga may karagdagan medikal na pangangaylangan na hindi maibibigay saa Caravan.

Ayun kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, maaaring makakuha ng paunang P1,600 hanggang P2,000 tulong pinansiyal sa mga pumasa sa pagsusuri ng DSWD.

Nakiisa rin sa kaganapan si Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero De Vera III kung saan ipinamahagi sa mga piling scholars ng Tulong Dunong Program (TDP) ang kanilang scholarship grant.

Dagdag dito, mayroon ring itinalagang abogado ang CHED sa kanilang booth upang matulungan ang mga mag-aaral ukol sa mga katanungan sa scholarship grants

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng mga dumalo na hindi ininda ang tagal at haba ng pila makakuha lamang ng iba’t ibang serbisyo sa kaganapan.

Ayon sa Unang Ginang, ipinunto umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangang ihatid ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa publiko. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us