PCCI at JCCI, lumagda ng kasunduan para sa mas malakas na economic cooperation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ang kasunduan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at Japan Chamber of Commerce and Industry (JCCI) upang palakasin ang economic cooperation sa pagitan ng Japan at Pilipinas.

Layon din nito na taasan ang trade and investments sa larangan ng technology and innovation, agriculture, manufacturing, small and medium enterprise (SMEs) development.

Ayon kay PCCI President George Barcelon ang partnership ay pagbubukas ng mga oportunidad sa maraming sektor na magbebenepisyo ang mga Pilipino.

Aniya, malaki ang magiging pakinabang ng bansa sa pagiging una ng mga Hapon pagdating sa teknolohiya.

Binigyan diin ni Barcelon na ang higit na pagtutulungan sa human resources ay makakatulong sa bansa na mapataas value chain.

Base sa datos sa 898 na Japanese enterprises na namumuhunan sa Pilipinas, nasa kabuuang P740 billion sa Pilipinas at nakagawa ng exported income na 30.3 billion at lumikha sa 350,000 trabaho sa mga Pilipino.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us