May kabuuang 117 biktima ng pangaabuso sa Caraga region ang tinulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mula sa kabuuang bilang, 59 ay mga victim-survivors
ng pangaabuso at 58 ang children in conflict with the law (CICL) .
Dinala sila sa Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY) sa Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur, at sa Home for Girls (HFG) sa Barangay Bonbon, Butuan City.
Ang dalawang pasilidad ay pinatatakbo at pinangangasiwaan ng DSWD.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga victim-survivor at CICL ay sumailalim sa counseling at therapy, binigyan ng legal assistance, medical care, edukasyon at skills training.
Batay sa ulat ng Caraga Regional Field Office, 31 sa 59 victim-survivors ng pang-aabuso ay nakalabas na sa Home for Girls facility. Habang 25 CICLs ang nakabalik na rin sa kanilang pamilya.| ulat ni Rey Ferrer