Nagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) at Embahada ng Romania sa Pilipinas upang paigtingin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba’t ibang usapin.
Sa ginanap na courtesy call ni Romanian Ambassador to the Philippines Raduta Dana Matache kay Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac sa DMW Office Mandaluyong City ngayong araw, napag-usapan ang labor market opportunities at iba pang labor cooperation na maaaring pagtulungan pa Pilipinas at Romania.
Kabilang din sa mga natalakay sa pulong ang kalagayan ng nasa 1,500 na overseas Filipinos workers sa Romania na karamihan ay household service workers.
Kasama ni Ambassador Matchae sa naturang courtesy call si Yosef Peisakh, ang kasalukuyang chief executive officer ng Work from Asia, isang workforce placement company na nag-ooperate sa Romania at nagre-recruit ng mga personnel sa Asya. | ulat ni Diane Lear