ITBPAP, naaalarma sa magkakasunod na hacking at cyber attacks sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naalarma ang IT Business Process Association of the Philippines (IBPAP) sa mataas na bilang na mga cyber attacks at hacking incident sa bansa.

Kamakailan, ilang ahensya ng gobyerno ang nabiktima ng cyber attacks at nalagay sa alanganin ang information system ng mga ito.

Ayon sa IBPAP, kung hindi agad mareresolba ay maapektuhan ang industriya ng business process outsourcing sa bansa.

Sa statement na inilabas ni IBPAP and CEO Jack Madrid, sinabi nito na ang mga ganitong illegal na aktibidad ay maaring magdulot ng panganib sa operasyon ng ITBPM industry at makaapekto sa reputasyon ng Pilipinas bilang “investment destination.”

Aniya, ang industriya ng IT-BPM sa Pilipinas, ay inaasahang kikita ng $35.4 bilyon sa pagtatapos ng 2023, kaya dapat na itong malabanan ng gobyerno upang maiwasan ang malaking pagkalugi.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us