Pagpapalakas sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan na walang nasasawi, susuportahan ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang Kamara na maglatag ng lehislasyon para palakasin pa ang kapasidad ng mga otoridad na nagsasagawa ng anti-illegal drug operations.

Ayon kay House committee on dangerous drugs vice-chair at Antipolo Rep. Romeo Acop, mahalagang tulungan ng lehislatura ang pambansang pulisya at iba pang katuwang na ahensya para tuluyang maresobla ang problema sa iligal na droga at tiyakin na zero casualty ang mga operasyon.

“We need to craft legislation that would further improve the Philippine National Police’s as well as their other counterparts’ abilities to address effectively – with zero casualty in mind – in going after the drug lords, with the hope of reducing, if not totally eradicating, this menace,” ani Acop.

Una nang pinapurihan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chair ng komite ang 52% na pagbaba sa drug operation fatalities sa panahon ng pamumuno ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.

Kumpiyansa naman si Acop na magtutuloy-tuloy ang matagumpay na pagkakakumpiska ng mga iligal na droga at pag-aresto sa mga taong sangkot dito sa ilalim ng ‘bloodless’ drug war ng administrasyong Marcos.

Kinilala ng liderato ng Kamara ang maigting na operasyon ng PDEA at iba pang law enforcement agencies kung saan nakasabat ng 4.4 tons na shabu na nagkakahalaga ng P30 billion at nasa 3 tonelada ng dried marijuana leaves.

Magpapatuloy naman ang imbestigasyon ng dangerous drugs panel patungkol sa nasabat na iligal na droga sa isang warehouse sa Mexico Pampanga.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us