Multa para sa mga motorista na hindi awtorisadong dumaan sa EDSA Bus Lane, tataasan ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes na nakakuha na sila ng permiso mula Metro Manila Council para taasan ang multa sa mga motorista na hindi awtorisadong dumaan sa EDSA Bus Lane.

Sa isang panayam, sinabi ni Artes na batay sa ipinasang resolusyon ang multa sa mga motorista na lalabag sa bus lane ay:

-First offense – P5,000
-Second offense – P10,000 at isang buwang suspensyon ng lisensya, at sasailalim sa seminar ang lumabag na motorista
-Third offense – P20,000 at isang taong suspensyon ng lisensya
-Fourth offense – P30,000 at tuluyang pagkansela ng lisensya

Umaasa naman si Artes na maiaalis na ang temporary restraining order (TRO) sa implementasyon ng ‘No Contact Aprehension Policy’ upang mas maging madali ang paghuli sa mga lalabag sa bus lane.

Patuloy na paaalala ng MMDA sa mga motorisa na ang EDSA Bus Lane ay para lamang sa mga pampasaherong bus, ambulansya, at marked government vehicle na rumeresponde sa emegency.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us