LTFRB, nagbabala sa mga kolorum na mananamantala ngayong marami ang luluwas pa-probinsya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga biyaherong mag-uuwian sa kani-kanilang probinsya para sa BSKE at Undas ay tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapaigting rin ng Inter-Agency Task Force sa anti-colorum operations.

Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, kadalasang naglilipana ang mga colorum na van tuwing marami ang lumuluwas sa probinsya at tinatarget ang mga lugar na malapit sa mga bus terminal.

Dahil dito, muli aniyang kikilos ang pinagsamang pwersa ng LTFRB, LTO, I-Act, at MMDA para magkasa ng operasyon kontra kolorum.

May mga itatalaga ring help desks sa bawat terminal kung saan maaaring magsumbong ang publiko.

Sa panig ng LTO, mula pa noong October 12 ay nakakalat na ang mga operatiba ng ahensya at magtatagal hanggang unang linggo ng Nobyembre.

Bukod sa Inter-Agency Task Force, magde-deploy rin maging ang Quezon City local government ng mga tauhan para magbantay sa mga terminal na inaasahang dadagsain simula sa Biyernes. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us