Sen. Robin Padilla, umaasa pa ring makakadalo sa kanyang pagdinig hinggil sa Cha-Cha ang mga kongresista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano pa rin ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairperson Senador Robin Padilla na direktang konsulatahin ang mga kongresista tungkol sa panukalang pag-amyenda ng konstitusyon o charter change.

Ito ay kahit pa una nang nakansela ang ini-schedule na pagdinig ng kanyang komite kasama ang mga House counterpart niya, na pinangunahan ni Representative Rufus Rodriguez, matapos ang payo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na magsagawa na lang muna ng executive session.

Giit ni Padilla, umaasa siyang matutuloy ang harapang pagdinig kasama ang mga kongresista.

Aniya, marami pa silang mga nais na klaruhin tungkol sa panukalang charter change sa pamamagitang ng constitutional convention (Con-Con) kaya hindi niya pa maisara ang Senate hearing.

Kahit pa aniya nagkasa ng hiwalay na padinig tungkol dito ang Kamara ay nais pa rin niyang direktang marinig ang posisyon ng mga kongresista.

Sinabi pa ng senador, na bagamat patuloy siyang sumusunod sa request ni Zubiri, ay nang rebyuhin niya ang Senate rules kahapon ay wala naman siyang nakitang probisyon na nagbabawal ng anumang komite na mag-imbita ng House members sa mga pagdinig.

Naniniwala rin ang mambabatas na hindi naman mangyayari ang pangamba ni Zubiri na magkakainitan sa ikakasa niyang hearing kasama ang mga kongresista dahil pare-pareho naman silang nagsusulong ng Cha-Cha.

Matatandaang una nang ipinaliwanag ni Zubiri ang tradisyon na ‘parliamentary courtesy ‘ kung saan hindi inimbitahan ng Senado ang mga kapwa nila mambabatas mula sa Kamara bilang resource person sa mga Senate hearing dahil sila ay co-equal branch o kapantay lang ng Senado.

Sinabi ni Zubiri, ang mga resource person kasi ay maaaring gisahin o i-interpellate ng mga senador at posible rin aniyang maipit ang committee chairperson sakaling uminit ang diskusyon at magkasagutan sa hearing. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us