Adopt-a-farmer program, inilunsad ng party-list solon; mas murang bentahan ng bigas, resulta ng programa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad kamakailan ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta ang kaniyang ‘Adopt-a-farmer program.’

Sa ilalim nito, ang katuwang na negosyante ay direktang binibili sa mga magsasaka ang palay sa halagang ₱21– mas mataas sa ₱19 na buying price ng NFA at ibinibenta naman sa mga mamimili sa halagang ₱35 kada kilo o mas mura ng ₱17 kaysa sa presyo sa mga pamilihan.

Kasama ring nakabenepisyo ang mga maliliit na miller dahil sa kanilang pinagiling ang palay.

Layon aniya ng programa na sagipin ang mga magsasaka ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng pagsupil sa hoarders at smugglers na siya aniyang pangunahing dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

“Para maging matagumpay ang programang ito, kailangan nating tipunin ang mga makabayang negosyante ng ating bansa at himukin silang mamuhunan sa simulaing ito kahit walang kita. Sapagkat ito lang ang paraan na makakatulong tayo sa ating mga magsasaka, sa ating mga kababayan at pati na din sa ating pamahalaan,” ani Marcoleta.

Unang duminig sa panawagan ni Marcoleta ang mga negosyante mula sa Pampanga Chamber of Commerce.

Inumpisahan ni Marcoleta ang programa sa Capas, Tarlac nitong weekend at sunod na dinala sa Bacolor, Pampanga nitong Martes kung saan umabot ng 57.8 na kaban ng denoradong bigas ang naibenta. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us